^

Metro

Subpoena ng DOJ, inisnab ng magkapatid na Ramos

-
Muling naghain ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa magkapatid na Esther at Leticia Ramos matapos na isnabin ng mga ito ang unang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) upang magpaliwanag sa pagkakasangkot ng kanilang mga pangalan sa pagpaslang sa kanilang kapatid na si dating Foreign Affairs Assistant Secretary Alicia Ramos.

Sinabi ni Atty. Edmund Arugay, hepe ng NBI-National Capital Region na inatasan siya ni DOJ Secretary Raul Gonzales na personal na ibigay sa magkapatid na Ramos ang ikalawang subpoena para sa mga ito.

Alinsunod sa subpoena, inatasan ang magkapatid na sumipot sa isinasagawang preliminary investigation ni DOJ State Prosecutor Emmanuel Velasco sa loob ng 10 araw matapos na matanggap ito.

Dito bibigyan ng pagkakaton si Esther at Leticia na linawin ng pormal ang kanilang pangalan matapos na isangkot sila ng isa sa mga suspect na si Roberto Lumagui.

Itinuro ni Lumagui si Esther Ramos Bailey na siyang utak sa krimen matapos na utusan umano siya nito na pasukin ang kanilang bahay sa Makati City at takutin ang biktima upang tuluyang lumayas sa bahay. Aksidente naman umano na napatay si Alicia nang humigpit ang kanilang ibinusal sa biktima.

Ayon kay Arugay, tanggapin man o muling isnabin ng dalawa ang subpoena ay hindi na ito mahalaga. Mas importante umano na nakarating sa kanilang kaalaman ang nagaganap na imbestigasyon at wala silang masisisi kapag tuluyang naisangkot sila sa mga isasampang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDMUND ARUGAY

ESTHER RAMOS BAILEY

FOREIGN AFFAIRS ASSISTANT SECRETARY ALICIA RAMOS

LETICIA RAMOS

MAKATI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

ROBERTO LUMAGUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with