^

Metro

10 PNP-CIDG officers kinasuhan ng carnapping

-
Nahaharap ngayon sa kasong carnapping ang sampung miyembro ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na sangkot sa pagtangay sa dalawang kotse ng isang Chinese national sa isinagawang raid ng mga una kamakailan.

Base sa dalawang-pahinang resolusyon ng Malabon Prosecutor’s Office na pinamumunuan ni Prosecutor Jorge Catalan Jr., kinasuhan nito ng carnapping sina Sr. Insp. Pepito Garcia, Insp. Joven Trinidad, Insp. Angelo Nicolas, SPO2 Adolfo de Ramos, SPO2 Severino Busa, PO3 Josefina Callora, PO3 Renato Gregorio, PO2 Rogie Pinili, PO2 Rogelio Rodriguez at PO1 Richel Creer.

Nakasaad sa naturang resolusyon na malinaw na nilabag ng mga akusado ang Republic Act 6539 o ang Anti-Carnapping Law nang hindi isauli ng mga nabanggit na pulis ang kanilang kinumpiskang sasakyan ng Chinese national na si Pang.

Lumalabas na ang mga akusado ay kabilang sa raiding team na lumusob sa bahay ni Pang sa 69 White Lily St., Block 15, Lot 4, Victoneta North Subd., Potrero, Malabon dahil sa impormasyon na may nagtatago umano ng ilegal na droga sa nasabing bahay subalit matapos ang paggalugad ng mga ito ay tinangay nila ang dalawang sasakyan ni Pang kahit hindi na ito sakop ng search warrant.

Samantala, pinawalang-sala naman sa kaso si Supt. Federico Laciste Jr. dahil sa kawalan ng ebidensya laban sa kanya.

Ibinasura rin ang kasong perjury, robbery at falsification na isinampa ni Pang laban sa mga akusado dahil sa lehitimo naman ang kanilang ginamit na search warrant sa kanilang isinagawang raid sa bahay ng biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANGELO NICOLAS

ANTI-CARNAPPING LAW

FEDERICO LACISTE JR.

JOSEFINA CALLORA

JOVEN TRINIDAD

MALABON PROSECUTOR

PEPITO GARCIA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

PROSECUTOR JORGE CATALAN JR.

RENATO GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with