^

Metro

Kawani ng DSWD kinasuhan

-
Sinampahan ng kasong kriminal ang isang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraang hingan umano nito ng P1 milyon ang lalaking nasampahan ng kasong rape.

Batay sa dalawang pahinang complaint affidavit ng rape-accused na si Rodolfo dela Cruz at anak nitong si Mary Ann Macapagal, sinampahan nila ng kasong attempted robbery extortion at grave threats ang social worker na si Nena Balbas sa Office of the Ombudsman.

Batay sa rekord, noong Marso 21, 2005, habang isinasailalim si dela Cruz sa preliminary investigation sa kaso nitong rape sa tanggapan ni Makati City Prosecutor Marilyn Agama ay inalok ni Balbas si Macapagal na makipag-usap ito sa kanya.

Mula sa nasabing tanggapan ay sumakay umano sa taxi sina Macapagal at Balbas upang sa ibang lugar mag-uusap kung saan tinakot umano ni Balbas si Macapagal na malaki ang posibilidad na mahahatulan ng kamatayan ang ama nito dahil wala umanong magagawa ang abogado nito sa kanyang kaso hanggang sa alukin na ni Balbas si Macapagal na magbigay na lamang sa kanya ng P1 milyon upang bayaran na lamang ang biktima ni dela Cruz kung saan ito umano ang maitutulong niya sa akusado.

Binalaan pa umano ni Balbas si Macapagal na huwag sabihin sa iba ang kanilang napagkasunduan at bunga nito ay sinampahan ng nabanggit na mga kaso ni dela Cruz si Balbas dahil wala naman umano siyang kasalanan sa kasong rape na isinampa sa kanya. (Grace dela Cruz)

BALBAS

BATAY

BINALAAN

CRUZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MACAPAGAL

MAKATI CITY PROSECUTOR MARILYN AGAMA

MARY ANN MACAPAGAL

NENA BALBAS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with