2 paslit courier ng sindikato ng droga
May 15, 2005 | 12:00am
Naaresto ng mga kagawad ng Western Police District (WPD)-Station 3 ang dalawang menor-de-edad na katao matapos na mahulihan ng ipinagbabawal na gamot na nakatakdang ideliber sa isang kostumer sa Quiapo, Manila kamakalawa ng gabi
Nakatakdang dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga suspect na itinago sa pangalang Gina, 12; at James, 14
Sa report ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maaresto ang dalawang menor-de-edad sa Carlos Palanca St., ng naturang lugar
Nabatid na naglalakad ang dalawang suspect nang tiningnan ito ni PO3 Jordan Villanueva nang biglang kumaripas ng takbo
Naghinala si Villanueva na may itinatago ang dalawa kaya inaresto ang mga ito kung saan natuklasan ng una na nag-iingat ng ipinagbabawal na gamot ang mga paslit
Sa presinto, inutusan lamang umano sila ng isang lalaki na dalhin ito sa isang kostumer sa Quinta market sa Quiapo kapalit ng kaunting halaga
Gayunman, ayaw namang sabihin ng mga bata ang pagkakakilanlan ng nag-utos sa kanila at maging ang taong pagdadalhan. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended