Ex-senator Freddie Webb, nabiktima ng 'Bukas-Kotse gang'
May 15, 2005 | 12:00am
Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng pulisya laban sa isang miyembro ng kilabot na "Bukas-Kotse Gang" na bumiktima sa isang dating senador na natangayan ng may P60,000 cash at iba pang mahahalagang kagamitan sa Muntinlupa City
Ang naging biktima ay si dating Senator Freddie Webb, ng Cleveland Condominium, Parañaque City
Samantala, ang suspect ay nakilalang si Jose San Agustio Jr., 45, ng Magdaong Drive, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Inginuso ang suspect ng ilang bystander na nakasaksi umano sa pagbubukas nito ng kotse ng dating senador
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, noong nakalipas na Linggo ay nagtungo si Webb sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City lulan ng kanyang Ford Mark III na may plakang WMT-883 upang dalawin ang anak na si Hubert na nakapiit sa Maximum Security Compound ng nasabing piitan
Ipinarada nito ang sasakyan dakong ala-1 ng hapon sa may di kalayuan sa Gate 1 ng nasabing bilangguan
Dakong alas-4:50 ng hapon ng lumabas si Webb at dito nito natuklasan na niransak ang loob ng kanyang sasakyan
Kaagad na nagtungo sa Muntinlupa Police ang dating senador kung saan nabatid na nawala ang kanyang P60,000 cash, cheque books, credit cards, 4 Cellphone, at DVD player
Patuloy naman ang isinasagawang paghahanap sa kinilalang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest