^

Metro

'My Way' pumatay na naman

-
Isang obrero ang iniulat na nasawi makaraang pagsasaksakin ng isang lasing na nairita sa madamdaming pag-awit ng una ng ‘My Way’ sa loob ng isang videoke bar, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City

Nakilala ang biktima na hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa St. Luke’s Hospital na si Jomar Liro, 35, ng Hillcrest St., Brgy. Immaculate Concepcion, Cubao, Quezon City

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng mga tauhan ng CPD laban sa hindi pa nakikilalang suspect na umano’y suki sa Amboy KTV na nasa Don Alfredo St. sa panulukan ng E. Rodriguez Avenue sa Cubao

Ayon sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob ng naturang videoke bar

Napag-alaman na mag-isang umiinom sa loob ang biktima at paulit-ulit nitong kinakanta ang awiting ‘My Way’ at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nilapitan at saka sinaksak ng suspect

Posible umanong nairita ang suspect sa paulit-ulit na pagkanta ng biktima kung kaya pinatahimik ito sa pamamagitan nang pagsaksak

Duguang humandusay ang biktima, habang mabilis namang tumakas ang suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

CUBAO

DON ALFREDO ST.

HILLCREST ST.

IMMACULATE CONCEPCION

ISANG

JOMAR LIRO

MY WAY

QUEZON CITY

RODRIGUEZ AVENUE

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with