Sinabi ni MMDA General Manager Robert C. Nacianceno, hindi ipinagbabawal ng korte ang paniniket ng MMDA gamit ang TVR sa mga lumalabag sa batas trapiko sa Metro Manila
Ibinaba ng Makati RTC ang permanenteng pagba-ban sa MTT matapos na ipetisyon ang MMDA ng siyam na malalaking transport groups
Ayon kay Nacianceno, ang tanging hadlang sa planong revival ng TVR ay ang Supreme Court order noong Abril 15 makaraang ipag-utos nito ang pagbabawal sa pagkumpiska ng lisensiya ng mga nahuhuling driver
Sa ilalim ng TVR system, kinukumpiska ang lisensiya ng traffic violator ng apprehending officer ng MMDA at iniri-release ang lisensiya sa redemption center ng ahensiya kapag nakabayad na ang mga driver ng multa
Dahil sa bawal ang pagkumpiska ng lisensiya, ipagagamit ng MMDA sa kanilang mga tauhan ang TVR subalit hindi kailangang kumpiskahin ang lisensiya
Matatandaan na ang TVR ang ipinagamit ng MMDA sa kanilang operatiba makaraang magbaba ng 20-days Temporary Restraining Order (TRO) ang Makati RTC matapos ang iniharap na petisyon ng 9 na transport groups noong Enero ng taong kasalukuyan
Libong drivers na natikitan ng TVR ang dumagsa sa main office ng MMDA para magbayad ng traffic fines at penalties. (Ulat ni Lordeth Bonilla)