^

Metro

MMDA manghuhuli pa rin, TVR ang gagamitin

-
Kung permanente na ang pagba-ban ng korte sa paggamit ng Metropolitan Traffic Ticket (MTT), ang dating Traffic Violation Receipts (TVR) ang siyang gagamitin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paniniket sa mga pasaway na driver

Sinabi ni MMDA General Manager Robert C. Nacianceno, hindi ipinagbabawal ng korte ang paniniket ng MMDA gamit ang TVR sa mga lumalabag sa batas trapiko sa Metro Manila

Ibinaba ng Makati RTC ang permanenteng pagba-ban sa MTT matapos na ipetisyon ang MMDA ng siyam na malalaking transport groups

Ayon kay Nacianceno, ang tanging hadlang sa planong revival ng TVR ay ang Supreme Court order noong Abril 15 makaraang ipag-utos nito ang pagbabawal sa pagkumpiska ng lisensiya ng mga nahuhuling driver

Sa ilalim ng TVR system, kinukumpiska ang lisensiya ng traffic violator ng apprehending officer ng MMDA at iniri-release ang lisensiya sa redemption center ng ahensiya kapag nakabayad na ang mga driver ng multa

Dahil sa bawal ang pagkumpiska ng lisensiya, ipagagamit ng MMDA sa kanilang mga tauhan ang TVR subalit hindi kailangang kumpiskahin ang lisensiya

Matatandaan na ang TVR ang ipinagamit ng MMDA sa kanilang operatiba makaraang magbaba ng 20-days Temporary Restraining Order (TRO) ang Makati RTC matapos ang iniharap na petisyon ng 9 na transport groups noong Enero ng taong kasalukuyan

Libong drivers na natikitan ng TVR ang dumagsa sa main office ng MMDA para magbayad ng traffic fines at penalties. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

GENERAL MANAGER ROBERT C

LORDETH BONILLA

MAKATI

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METROPOLITAN TRAFFIC TICKET

MMDA

NACIANCENO

SUPREME COURT

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with