^

Metro

Bagyo na may ulan kailangan -- PAGASA

-
Tinaya kahapon ng PAGASA na kailangang magkaroon ng isang malakas na bagyo na may dalang malakas na ulan ang dapat na maranasan ng Metro Manila upang managana ang mga residente sa sapat na supply ng tubig.

Sa isang panayam, sinabi ni Nonoy About, climatologist ng PAGASA, kailangan munang magkaroon ng isang bagyo na may kasamang malakas ng pag-ulan sa Metro Manila upang tumaas ang tubig sa dam na nagsu-supply ng tubig sa kalakhang Maynila.

Ang paminsan-minsang pag-ulan na nararanasan ay hindi nakakasapat para tumaas mula sa critical level ang tubig sanhi naman ng matinding init na nararanasan.

Ipinaliwanag din ni About na ang water vapor na nadadala ng hangin mula sa dagat ang dahilan kung bakit maalinsangan at malagkit ang panahon ngayon. Ito anya ay epekto lamang ng wind motion na tumatama sa isang lugar. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

IPINALIWANAG

ISANG

MAYNILA

METRO MANILA

NONOY ABOUT

TINAYA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with