^

Metro

3 suspect sa Lanot slay, nakapuslit

-
Nakapuslit na umano palabas ng Metro Manila at kasalukuyang nagtatago na sa Mindanao ang tatlong suspect sa pamamaslang kay dating Pasig City Congressman Henry Lanot.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Deputy Director General Avelino Razon kung saan patuloy pa rin ang pagtugis ng binuo niyang Task Force Lanot sa mga suspect sa Davao City.

Patuloy din naman ang koordinasyon ng pulisya sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasagawa rin ng sarili nilang imbestigasyon at manhunt sa mga suspect sa pagkamatay ni Lanot.

Kasabay nito, sinabi ni Razon na business rivalry ang panibagong anggulong kanilang tinitingnan hinggil sa pamamaslang. Gayunman, hindi pa rin iniaalis ng mga awtoridad ang anggulong pulitika sa insidente, gayundin ang iba pang bagay na posibleng maging rason sa pananambang kay Lanot.

Itinanggi rin ni Razon na may hawak siyang suspect o maging ang NBI sa insidente.

Si Lanot ay matatandaang pinagbabaril ng hindi nakilalang suspect sa Jade Palace restaurant sa Pasig City nitong nakalipas na Abril 13. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON

JADE PALACE

LANOT

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASIG CITY

PASIG CITY CONGRESSMAN HENRY LANOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with