Magkapatid na Ramos handang sumailalim sa imbestigasyon
May 13, 2005 | 12:00am
Nakahandang sumailalim sa interogasyon ang dalawang kapatid ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asst. Secretary Alicia Ramos kung ito anila ang paraan para matuldukan at maresolba ang kaso ng pagpatay sa biktima sa Makati City.
Umalma ang mga kaanak ng biktima matapos na idawit ng principal suspect na si Roberto "Obet" Lumagui si Ester Baily na umanoy nasa likod ng nasabing pagpatay at nag-utos sa mga suspect na takutin at pagnakawan ang biktima.
Idinepensa naman ng kanyang abogado si Ester matapos magbigay ng pahayag na walang kakayahan ang pasyente nito na mag-utos at magplano ng nasabing krimen. Si Ester ay kasalukuyang naka-confine sa St. Claire Hospital, malapit sa kanilang bahay sa #5552 Boyle St., Brgy. Palanan, Makati City noong naganap ang krimen.
Samantala, kuwestiyonable naman ang naging reaksiyon ni Leticia matapos na unahin pa nito ang pagpunta sa St. Claire Hospital upang magpagamot makaraang makahulagpos sa pagkakagapos sa kanya ng mga salarin.
Dapat umano, sinaklolohan muna ni Leticia ang kapatid na nasa tabing-silid nito sa itaas ng bahay at maaari rin itong humingi ng tulong sa kapitbahay sa pamamagitan ng pagsigaw dahil hindi umano magkakalayo ang pagkakadikit-dikit ng mga kabahayan sa nasabing barangay.
Naninindigan si Lumagui na inutusan lamang siya upang isagawa ang krimen kapalit ng kaunting halaga na aniya ay matagal nang alok sa kanya ni Ester.
Naniniwala naman ang abogado ng magkapatid na wala silang kinalaman sa krimen at palusot lamang ni Lumagui ang gawa-gawang pahayag upang hindi madiin sa ginawang panloloob at pagpatay sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am