^

Metro

Ex-NBI employee, 1 pa huli sa kotong

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang dating security officer ng National Bureau of Investigation (NBI) at isa pang kasabwat nito sa isang entrapment operation na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa panggagantso sa isang security guard, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Allen John Tosoc, 42, dating NBI security officer; at si Rico Albino, 48, supervisor ng Casa de Antonio Pension House.

Sa ulat ng CIDG, nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspect matapos na magreklamo sa kanila ang biktimang si Leonardo Guevarra, 34, security guard ng Government Security and Investigation Services at residente ng Dagupan, Tondo.

Ayon kay Guevarra, ni-recruit umano siya ni Tosoc na maging confidential agent ng NBI kapalit ng halagang P25,000 bilang membership fee at pag-iisyu ng CA badge at identification card.

Agad namang nakipagkoordinasyon kay NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga elemento ng CIDG kung saan nabatid na itinigil na ng ahensiya ang pagre-recruit ng mga confidential agent.

Nabatid pa na natanggal na sa trabaho bilang security officer si Tosoc noon pang Nobyembre 18, 2004 at nahaharap sa kasong alarm and scandal sa Manila Regional Trial Court.

Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang NBI sa loob ng isang fastfood chain sa Taft Avenue, sa tapat mismo ng NBI kung saan nadakip ang mga suspect habang tinatanggap ang marked money buhat kay Guevarra.

Nakadetine ngayon sa CIDG detention cell ang mga suspect at nahaharap sa mga kasong usurpation of authority at robbery with extortion sa Manila Prosecutor’s Office. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALLEN JOHN TOSOC

ANTONIO PENSION HOUSE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

GOVERNMENT SECURITY AND INVESTIGATION SERVICES

GUEVARRA

LEONARDO GUEVARRA

MANILA PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with