NBI pasok sa Arcillas slay
May 12, 2005 | 12:00am
Pumasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagpatay kay Sta. Rosa, Laguna Mayor Leon Arcillas sa loob ng kanilang municipal hall.
Sinabi ni NBI Director Reynaldo Wycoco na isang standard operating procedure sa kanilang ahensiya ang pagsasagawa ng isang "parallel investigation" sa isang malaking krimen tulad ng pagpaslang kay Arcillas.
Inatasan na nito si Southern Tagalog Regional Office director George Jularbal para umpisahan na ang sarili nilang imbestigasyon sa krimen.
Sinabi ni Wycoco na makikipagkoordinasyon din ang NBI sa PNP upang maikumpara ang kanilang mga makakalap na detalye para sa mas mabilis na pagresolba sa krimen.
Pangunahing hinihinala na isang grupo ng mga hitmen ng New Peoples Army (NP) ang nasa likod ng pamamaslang kay Arcillas matapos na iutos umano nito ang demolisyon sa isang squatters area sa bayan at pagkapaslang sa lider ng mga maralita.
Hindi rin inaalis ng NBI ang anggulo na posibleng politika ang sanhi ng pagpatay sa alkalde.
Nasawi si Arcillas, 63, matapos na pangunahan ang isang mass wedding sa loob ng municipal hall. Hinihinala na isang pares ng mga ikinasal ang pumatay sa alkalde dahil sa sobra ang dami ng pares sa mga pangalang nakatala na mga nagpakasal. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended