Mekaniko patay sa heat stroke
May 12, 2005 | 12:00am
Dala ng matinding init ng panahon, isang mekaniko ang namatay sa loob ng kanyang pinapasukang auto supply, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Henrick Manlapaz, 41, ng Biglang-Awa Compound, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jun Fortunato ng CPD-CID dakong alas-4 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima na nakahandusay sa loob ng Ramos Auto Supply na nasa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City.
Ayon sa pahayag ng kasama ng biktima na nakilala lamang sa pangalang Romy, papunta siya ng banyo nang makita niyang nakalugmok ang biktima sa sahig.
Wala namang nakitang anumang sugat ang mga awtoridad kayat malaki ang paniwalang biktima ito ng heat stroke dala ng matinding init ng panahon. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended