Negosyanteng Taiwanese, patay sa sunog
May 11, 2005 | 12:00am
Isang Taiwanese businessman ang namatay matapos na ma-suffocate nang masunog ang kanyang furniture store, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Kinilala ni QC Fire Department First Ground Commander Inspector Reynaldo Quirante, ang biktima na si Shen Wen Shu, 50, may-ari ng Milano Furniture na matatagpuan sa #1042 Del Monte Avenue, Brgy. Paltok, ng nabanggit na lungsod.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog dakong alas-4:05 ng madaling-araw sa opisina ng biktima. Nakulong ito hanggang sa ma-suffocate.
Bagamat nailigtas ng mga bumbero, namatay din ito matapos na dalhin sa Capitol Medical Center.
Nadamay din sa sunog ang katabing two-storey commercial at residential building. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended