Police asset sinaksak, patay
May 11, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang sinasabing asset ng Drug Enforcement Unit (DEU) nang saksakin ng di-nakilalang lalaki habang sakay ang una ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang drivers license na si Raul Mabato ng #1610 Everlasting St., Area D., Camarin II ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat, dakong alas-7:30 nang maganap ang insidente sa panulukan ng Everlasting at Zapote Sts., Camarin. Kasalukuyang sakay ang biktima ng kanyang scooter at binabagtas ang nasabing lugar nang bigla itong salubungin ng saksak ng di-nakikilalang suspect kung saan ay tinamaan ito sa gawing kaliwang bahagi ng dibdib.
Kahit sugatan na ay nagawa pa nitong patakbuhin ang kanyang scooter upang pumunta sa pagamutan subalit habang nasa daan ay bigla na lamang sumadsad sa kalsada ang motor nito.
Isang di-nakikilalang tricycle driver ang kaagad nagdala sa biktima sa Rodriguez Memorial Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tinamong saksak.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow-up investigation ang awtoridad upang mabatid ang motibo sa krimen at makilala ang salarin. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended