4 na 'Pugot-ulo', arestado
May 10, 2005 | 12:00am
Bumagsak na kamakalawa sa kamay ng mga awtoridad ang apat na lalaking sangkot sa pamumugot ng ulo sa isang empleyado ng La Mesa Dam sa Quezon City, kamakailan.
Batay sa ulat ng pulisya, nakilala ang apat na suspects na sina Christopher Guerrero at Alfie Espinosa na nalambat kamakalawa sa Pangarap Village, Caloocan City, habang nadakip din sa isinagawang follow-up operation sina Rolito Guerrero at Renato Bartolome sa Guimba, Nueva Ecija.
Ang mga suspects ang sinasabing responsable sa pamumugot ng ulo kay Robert Glee, empleyado ng La Mesa Dam noong 2002.
Magugunitang naganap ang krimen noong Oktubre 2002 dakong alas-5 ng hapon matapos umanong magsaka sa lupain ng Macabon Harangan area ang apat na suspects nang dumating ang biktima na lasing at may dalang itak.
Walang sabi-sabing tinaga sa ulo at balikat ni Glee si Bartolome kung kayat napilitang sumugod ang iba pang suspect na sina Espinosa at magkapatid na Guerrero. Dito na ginulpi ng tatlo ang biktima hanggang sa bumagsak.
Agad namang naagaw ni Bartolome ang dalang itak ni Glee kung saan pinagtataga ito at tinapyasan ng ulo. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended