Nurse nanguna sa QC 3rd Gawad Ulirang Ina
May 9, 2005 | 12:00am
Nakuha ng isang registered nurse ang titulong "Ulirang Ina ng Lungsod Quezon" sa ginanap na paligsahan ng "Gawad Ulirang Ina" na proyekto ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista sa loob ng tatlong taon.
Nangibabaw si Elsie de Veyra ng Brgy. UP Campus sa 125 na kandidato nang ganapin ang awarding ceremony sa Bahay Alumni sa UP Diliman noong Huwebes.
Ayon kay Bautista, layunin ng nasabing proyekto na kilalanin ang pinakamahusay at responsableng ina na nakatulong din sa ikauunlad ng komunidad.
Ipinaliwanag ni Bautista na ang bawat kandidato ay hinusgahan batay na rin sa kanilang relasyon sa pamilya, komunidad at pagiging isang modelo sa publiko.
Nabatid na si De Veyra ay head nurse ng Philippine General Hospital at naging pangulo ng Philippine Nurses Association at auxillary president ng Philippine Medical Assocition at ng QC Medical Society. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended