Tsinoy trader, dedo sa sunog
May 9, 2005 | 12:00am
Namatay ang isang negosyanteng Tsinoy matapos na ma-suffocate sa nasusunog nitong gusali kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila.
Batay sa ulat ni SF01 Wilson Tana ng Manila Arson Division, dakong alas-2:14 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa bahay ni Henry Go Kiat, 55, sa #1617 Santiago St., Paco.
Mabilis na kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali na naging dahilan ng suffocation ni Kiat.
Umabot sa 5th alarm ang sunog at matapos ang tatlong oras ay naapula rin ito ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog subalit tinataya namang aabot sa P500,000 ang halaga ng mga naabong ari-arian. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended