6 WPD cops inireklamo ng kotong
May 7, 2005 | 12:00am
Nasa "hot water" ngayon ang isang mataas na opisyal ng Western Police District (WPD) at lima nitong tauhan matapos na sampahan ng mga kasong robbery extortion, planting evidence bukod sa kasong administratibo dahil sa reklamo ng isang ginang na tinaniman umano ng droga sa Sta. Ana, Manila.
Nakilala ang mga kinasuhan na sina Insp. Oliver Lucero, nakatalaga sa WPD-Sta. Ana Police Station 6; isang PO2 Bernardo at apat pang hindi nakikilalang pulis. Nahaharap ang mga ito sa mga nabanggit na kaso sa Manila Prosecutors Office.
Batay sa report ni P/Insp. Cecilo Sacorum ng WPD-General Assignment Section, inaresto ng mga awtoridad ang ginang na nakilalang si Arlene Jayme, 30, ng Punta, Sta. Ana nitong nakaraang Abril 20 dakong alas-8:30 ng gabi habang bumibili ng softdrinks sa isang maliit na sari-sari store malapit sa kanilang bahay.
Hindi pa nakuntento ang mga suspect, pinasok pa ng mga ito ang bahay ng ginang at hinalughog ang mga gamit nito kung saan tinangay ang ilang mahahalagang kasangkapan at alahas. Nagulat na lamang ang biktima nang sabihan siya na nakuhanan ng shabu at akusahang nagbebenta ng bawal na droga.
Sa puntong ito, hiningan umano siya ng pera ng mga pulis upang hindi kasuhan hanggang sa magkasundo sa halagang P25,000 buhat sa unang hininging P50,000.
Bago pinalaya, nagbanta pa ang mga pulis na huwag ipararating kahit kanino ang "lagay" na iniabot ng ina ng ginang. Dahil dito, napilitang magtungo sa tanggapan ni P/Supt. Arturo Paglinawan ang ginang upang ireklamo ang mga suspect at ayon dito, kung ihaharap sa kanya ang apat pang pulis ay makikilala niya ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am