Sa report ni SFO2 Edgardo Daya, ng Sta. Mesa Fire Station, dakong alas-11:49 ng umaga nang kumalat ang apoy sa ikaapat na palapag ng Unciano Hospital na matatagpuan sa kanto ng V. Mapa at Guada Canal Ext., Sta. Mesa.
Sinabi ni Daya na ang 3rd at 4th floor ng gusali at residential area, habang sa una at ikalawang palapag naman nakalagak ang mga pasyente na agad namang inilipat sa ibang lugar ng mga hospital employee.
Pinaniniwalaang nagsimula ang sunog sa isang nasirang electric fan at agad namang naapula at fire under control dakong alas-12 ng tanghali at agad din namang naapula. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)