Shootout: 2 holdaper patay
April 29, 2005 | 12:00am
Dalawang umanoy miyembro ng kilabot na holdup at robbery gang ang nasawi habang sugatan namang nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan sa naganap na shootout sa pagitan ng mga ito at ng mga awtoridad, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pa nang buhay sa Tala Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga suspect na sina Laurencio Rondolo, 29, ng Bulacan at Eric Tayona, 27, ng Caloocan City.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang hindi pa nakikilalang mga kasamahan ng mga ito na pinaniniwalaang sugatan din ng magsitakas.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Feliciano Almojuela Jr., may hawak ng kaso dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sabarte Road, Caloocan City.
Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang ilang kagawad ng Caloocan City Police sa nasabing lugar nang mapadaan ang mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo.
Nakatawag pansin umano sa mga pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga suspect kayat sinundan nila ang mga ito.
Nang mapansin ng mga suspect na sinusundan sila ay agad na bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.
Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at makalipas ang ilang minutong pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig ay nakitang duguang nakabulagta sina Rondolo at Tayona, habang mabilis na nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan.
Humihingi naman ng katarungan ang pamilya ng mga nasawi dahil hindi naman umano holdaper ang mga ito at sinabing hindi shootout ang nangyari. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended