^

Metro

27 arestado sa P20-M nakaw na fuel oil

-
Dalawampu’t pito katao ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group (PNP-MARGROUP) matapos na maharang ang dalawang barko na naglalaman ng P20-M jet A-fuel oil ng Petron Company na ibinebenta sa murang halaga sa isinagawang operasyon sa Manila Bay kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng PNP-Margroup, nabatid na dakong alas-4 ng madaling-araw nang maharang ang barkong M/T Margarita at M/T Lolita na naglalaman ng naturang fuel oil.

Base sa imbestigasyon, may kabuuang 1.2 milyong litro ng fuel oil na nagkakahalaga ng P20-M ang nakuha sa M/T Margarita kung saan ang naturang barko ay pinamumunuan ni Capt. Dizon Abejo. Ang nasabing barko ay nagbabagsak ng fuel sa M/T Lolita na dala naman ni Capt. Cabigas Cipriano nang maharang ng mga operatiba ng PNP-Margroup.

Nabatid na ang Shogun Ship Inc. na pag-aari ni Enrique Manalang na siyang presidente ng kumpanya ang nagmamay-ari ng M/T Margarita, habang ang M/T Lolina ay pag-aari naman ni Lolita Co. Ang nasabing bulto ng mga fuel oil ay nagmula umano sa Bataan Petron Refinery Company.

Ayon sa mga awtoridad, ang kapitan at mga tripulante ng M/T Margarita ay nadiskubreng nagbebenta ng fuel sa mababang halaga kay Lolita Co sa pamamagitan ni Orlando Macaraig na empleyado ng kumpanya at kay Capt. Cabigas ng M/T Lolina na wala umanong permiso ng Petron Company.

Nasakote sa operasyon ang sampu katao sa M/T Lolita kaugnay ng paglabag sa anti-fencing law at 17 naman mula sa M/T Margarita sa kaso namang qualified theft.

Nasamsam mula sa mga sakay sa dalawang barko ang isang hand-held radio na may charger, dalawang cellphone at P20,000 cash habang nakuha naman kay Macaraig ang isang caliber .9mm pistol.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong anti-fencing law at qualified theft laban sa mga nasakoteng suspect na ngayo’y nakapiit sa NCR-01 ng Maritime Police Station. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

BATAAN PETRON REFINERY COMPANY

CABIGAS CIPRIANO

CAPT

DIZON ABEJO

ENRIQUE MANALANG

LOLITA CO

PETRON COMPANY

T LOLINA

T LOLITA

T MARGARITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with