^

Metro

MMDA enforcer na nakapatay ng padyak boy, timbog

-
Nadakip na ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itinuturong bumaril at nakapatay sa isang pedicab boy sa isang clearing operation, kamakailan sa Paco, Maynila.

Inaresto ng pulisya ang suspect na si Eliseo Gonzales, 31, kahapon habang pinapangunahan naman nito ang paglilinis sa mga vendor sa Balintawak Public Market sa Quezon City.

Iprinisinta ni Manila Mayor Lito Atienza ang suspect na una nang ipinanawagan kay MMDA Chairman Bayani Fernando na isuko ito upang papanagutin sa batas. Ito’y sa kabila naman nang pagtanggi ng MMDA na tauhan nila ang namaril sa naturang insidente.

Matatandaan na nagkaroon ng madugong komprontasyon sa pagitan ng MMDA sidewalk clearing team at mga pedicab boy sa panulukan ng Pres. Quirino Avenue at Anakbayan St., Paco noong Abril 22.

Dito nabaril sa ulo ang biktimang si Danilo Peralta na nasawi sa pagamutan, habang malubhang nasugatan naman ang isa pang padyak boy na si Mario Quinones, 32, matapos na may magpaputok ng baril sa panig ng MMDA.

Ang pagkakadakip sa suspect ay matapos ang masusing imbestigasyong isinagawa ng pulisya sa pagkakakilanlan nito. Positibo naman itong itinuro sa police line-up ng nakaligtas na biktima na si Quinones at ng kapatid ni Peralta. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANAKBAYAN ST.

BALINTAWAK PUBLIC MARKET

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DANILO GARCIA

DANILO PERALTA

ELISEO GONZALES

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARIO QUINONES

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with