^

Metro

Protocol officer ng Senado, nasa 'hot water'

-
Nasa hot water ngayon ang protocol officer ng Mataas na Kapulungan ng Senado matapos umanong masangkot sa aksidente ang anak nitong lalaki habang gamit ang Nissan Urvan na binili kamakailan para lamang gamitin ng mga delegado sa nakalipas na IPU assembly.

Ayon sa source, wasak na wasak at posibleng hindi na mapakinabangan ang isa sa tatlong Nissan Urvan ng Senado matapos umanong maaksidente sa North Luzon Expressway kamakailan.

Apat na sasakyan pa ang nadamay sa naturang aksidente at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ipinaaalam sa liderato ng Senado.

Nabatid na ang nasabing sasakyan ay gamit umano ng anak na lalaki ni senate protocal secretary at IPU organizing head Carmen Arceno nang maganap ang aksidente.

Bagaman nakaligtas sa panganib ang batang Arceno, may pananagutan umanong dapat sagutin ang senate official dahil kahina-hinala kung papaanong ipinagamit ito sa kanyang anak kahit naka-MR sa kanya.

Nabatid na ang batang Arceno ay kinuha umano bilang consultant ng IPU at pinasusuweldo ng P18,500, ayon pa sa source. Kung pagbabatayan ang ‘objective’ sa pagbili ng naturang sasakyan, hindi umano maaaring gamitin ito sa ibang aktibidades lalo na sa personal na gamit ng sinuman. (Ulat ni Rudy Andal)

APAT

ARCENO

AYON

BAGAMAN

CARMEN ARCENO

NABATID

NISSAN URVAN

NORTH LUZON EXPRESSWAY

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with