^

Metro

12 porters sa NAIA positibo sa droga, sinibak

-
May labindalawang porters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang inalis sa serbisyo matapos mapatunayan na bumagsak ang mga ito sa isinagawang random drug test.

Ipinatupad ni MIAA General Manager Al Cusi, ang biglaang drug test para malaman kung sino sa employees sa paliparan ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi muna ibinunyag ni Cusi ang mga pangalan ng porters na tinanggal sa trabaho.

Nagbabala si Cusi sa lahat ng empleyado ng MIAA kabilang ang NAIA Press Corps Inc. na gumagamit ng droga na hindi ang airport ang lugar ng kanilang bisyo.

Ayon pa kay Cusi, hindi dapat mahaluan ng mga drug addict ang paliparan dahil posibleng makagawa ang mga ito ng hindi kanais-nais.

Isasama rin ni Cusi ang mga miyembro ng Airport Police Force para sa random drug testing.

Samantala, sinabi ni NAIA Press Corps. Inc., Vice-President at NPC Director Jerry S. Yap, na sang-ayon siya sa mungkahi ni Cusi na isama ang mga mamamahayag na kumokober ng paliparan sa drug testing. (Ulat ni Butch Quejada)

AIRPORT POLICE FORCE

AYON

BUTCH QUEJADA

CUSI

DIRECTOR JERRY S

GENERAL MANAGER AL CUSI

IPINATUPAD

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PRESS CORPS

PRESS CORPS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with