^

Metro

3 paslit nilaslasan ng pulso ng ina

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang tatlong paslit na magkakapatid matapos na tangkaing patayin at laslasan ng pulso ng kanilang sariling ina na dating overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan na umano’y sinapian ng masamang espiritu, kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang mga paslit na kinilalang sina Hilary Bless, 5; Earl Vincent, 4; at Brandon, 1-anyos na pawang may apelyidong Canete at nakatira sa Sawata Area 1 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police ang ina ng mga paslit na naglaslas din ng pulso na si Thelma Canete, 31-anyos.

Batay sa nakalap na impormasyon mula kay Chief Insp. Virginia Tejuco, hepe ng Caloocan Police WCCD, dakong alas-12:05 nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng mag-iina sa Sawata Area 1.

Sa panayam naman kay Virginia Cruz, kapitbahay ng pamilya Canete, una niyang narinig na naghuhumiyaw sa pag-iyak ang tatlong paslit at napansin nito na hindi man lamang gumagawa ng paraan si Thelma na mapatahan ang mga ito.

Dahil dito, sumilip si Cruz sa bahay ng mga Canete at dito bumungad sa kanya ang tatlong paslit na duguan at may mga laslas sa kani-kanilang pulso at si Thelma naman ay nasa sulok din na tumatagas din ang dugo dahil sa paglalaslas sa sarili.

Kahit pa man halos himatayin si Cruz sa pagkagimbal ay pinilit nitong makahingi ng tulong sa mga kapitbahay upang maisugod sa pagamutan ang magkakapatid habang si Thelma ay dinala sa himpilan ng pulisya makaraang malapatan ng paunang lunas.

Nabatid mula sa mga kaanak ni Thelma na mula nang umuwi ito buhat sa Taiwan ay napansin na nila ang kakaibang ikinikilos nito at madalas din umano nitong kinakausap ang sarili.

Sa pahayag ni Thelma sa mga awtoridad, sinabi nito na simula nang sunugin niya ang kanilang Bible ay madalas na siyang nakakarinig ng boses ng demonyo na nag-uutos umano sa kanya na patayin ang kanyang tatlong anak.

Malaki naman ang paniniwala ng mga awtoridad na posibleng nagkaroon ng sakit sa pag-iisip si Thelma kung kaya’t nagawa nitong tangkaing patayin ang mga anak at sarili nito habang ang kanyang mister ay nasa trabaho. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

CANETE

CHIEF INSP

CONCERNED DESK

CRUZ

SAWATA AREA

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with