^

Metro

Seaman tumalon sa 7th floor, todas

-
Bunga ng hindi makayanang problema sa pamilya, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-7 palapag ng tinitirahang condominium unit ang isang seaman, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Wilberto Huerto, 39, may-asawa, matapos tumalon sa 7th floor ng Banahaw Condominium na matatagpuan sa Brgy. Hi-Way Hills sa lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi nang makita ng kanyang kaibigan na nakilalang si Carlos Sacdalan ang biktima na nakaupo sa gilid ng rooftop ng condominium.

Tinangka pang pababain ni Sacdalan ang kaibigan subalit sinabi nitong " Wala. Katapusan na", sabay talon sa rooftop at bumagsak sa semento.

Tinangka pang sagipin ang buhay ng biktima at mabilis na dinala sa Dr. Victor Potenciano Medical Center subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Napag-alaman na dalawang araw pa lang nakauwi ang biktima galing abroad at posibleng sinalubong agad ito ng problema sa pamilya na hindi niya nakayanan kaya naisipang magpakamatay. (Ulat ni Edwin Balasa)

BANAHAW CONDOMINIUM

BRGY

BUNGA

CARLOS SACDALAN

DR. VICTOR POTENCIANO MEDICAL CENTER

EDWIN BALASA

HI-WAY HILLS

MANDALUYONG CITY

TINANGKA

WILBERTO HUERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with