Lasing lasog sa tren

Lasug-lasog ang katawan ng isang 27-anyos na lalaki matapos na mahagip at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR), kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Neil Serrano, 27, ng PNR Compound, Paco, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng WPD-Homicide Section, naganap ang trahedya dakong alas-2 ng madaling araw sa may Railroad, Paco.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Criselyn, kagagaling lamang ng kanyang kuya sa isang inuman at papauwi na ito sa kanilang bahay nang maganap ang insidente. Hindi umano nito napansin ang paparating na tren dahil na rin sa sobrang kalasingan kaya tuluyang napailalim sa tren.

Kinaladkad ng tren na patungong Bulacan ang biktima ng mahigit sa 70 metro kung saan gutay-gutay na ang katawan nito nang marekober. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments