Itoy matapos na kumpirmahin ni Justice Secretary Raul Gonzalez na natagpuan na muli ang mga dokumento sa extradition case ng pangunahing suspect na si Rod Lauren Strunk.
Ayon sa kalihim, nakita na nila ang mga orihinal na kopya na may kaugnayan sa extradition request ng DOJ laban kay Strunk na una nang sinabing nawala ang mga papeles at posibleng nilantakan ng mga anay.
Sinabi rin ni State Counsel Ramonchito Mendoza, miyembro ng extradition panel laban kay Strunk na nakapag-produce na umano ng nabanggit na dokumento si State Counsel Dina Joy Tenala na siyang unang nagsabi kay Gonzalez na inanay ang mga dokumento sa kanyang pangangalaga.
Ngayon ay mukhang nailuwa na ito ng mga anay at hindi rin maipaliwanag ng mga opisyal ng DOJ kung paano at saan nakuha ang kopya ng dokumento at sa halip ang sinabi ay ang mahalaga umano ay maayos na ang lahat ng impormasyong kakailanganin para mapabalik si Strunk. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)