^

Metro

Mga papeles laban kay Strunk, iniluwa ng anay

-
Mistulang iniluwa ng mga anay ang mga dokumento hinggil sa kasong pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca.

Ito’y matapos na kumpirmahin ni Justice Secretary Raul Gonzalez na natagpuan na muli ang mga dokumento sa extradition case ng pangunahing suspect na si Rod Lauren Strunk.

Ayon sa kalihim, nakita na nila ang mga orihinal na kopya na may kaugnayan sa extradition request ng DOJ laban kay Strunk na una nang sinabing nawala ang mga papeles at posibleng nilantakan ng mga anay.

Sinabi rin ni State Counsel Ramonchito Mendoza, miyembro ng extradition panel laban kay Strunk na nakapag-produce na umano ng nabanggit na dokumento si State Counsel Dina Joy Tenala na siyang unang nagsabi kay Gonzalez na inanay ang mga dokumento sa kanyang pangangalaga.

Ngayon ay mukhang nailuwa na ito ng mga anay at hindi rin maipaliwanag ng mga opisyal ng DOJ kung paano at saan nakuha ang kopya ng dokumento at sa halip ang sinabi ay ang mahalaga umano ay maayos na ang lahat ng impormasyong kakailanganin para mapabalik si Strunk. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)

AYON

CRUZ

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

NIDA BLANCA

ROD LAUREN STRUNK

STATE COUNSEL DINA JOY TENALA

STATE COUNSEL RAMONCHITO MENDOZA

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with