Doktor na kaanak ni Abalos, patay sa ambush
April 26, 2005 | 12:00am
Inambus at napatay ng tatlo sa anim na armadong kalalakihan ang isang doktor na manugang ng kapatid ni Commission on Election (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos Sr., habang papasok ang biktima sa kanyang trabaho, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nasawing biktima na si Nicolo Echiverri, 43, head Surgeon ng Fortune Care at Consultant sa Mandaluyong City Medical Center. Nagtamo ito ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan.
Ang biktima ay manugang ng kapatid ni Chairman Abalos na si Dr. Arsenio Abalos at kamag-anak ni Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.
Kinumpirma din kahapon ni NCRPO chief Deputy Director General Avelino Razon na hawak na ng pulisya ang isa sa mga suspect na umambus at nakapatay sa doktor.
Gayunman, tumanggi itong ihayag ang pangalan ng suspect at kung saan ito nahuli.
Positibo umano itong kinilala ng apat na testigo.
Ayon naman kay Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga habang sakay ang biktima sa kanyang kulay maroon na Mitsubishi Lancer na may plakang UNB-312 papasok sa kanyang trabaho sa Brgy. Kapitolyo sa Pasig City.
Pagdating nito sa kanto ng Celia at San Rafael Sts. sa Brgy. Plainview sa Mandaluyong City ay pinalibutan ang kotse nito ng tatlong kalalakihan na pawang armado ng kalibre .45 baril at walang sabi-sabing pinaunalanan ng putok ng baril ang biktima. Tatlo pa sa mga suspect ang nagsilbing look-out.
Matapos ang isinagawang pagpaslang kaswal lamang na naglakad ang tatlong suspects patungo sa nakaparadang kulay berdeng tricycle na ginamit nila sa pagtakas.
Idinagdag pa ni Velasquez na personal ang anggulong sinisilip nila sa nasabing pamamaslang at hindi pulitika o robbery dahil sa hindi naman pinakialaman ng mga salarin ang mga gamit ng biktima.
Sa kasalukuyan ay tatlong team ang ikinalat ni Velasquez upang magsagawa ng follow-up operation para sa agarang paghuli sa mga natitira pang suspect.
Nabatid pa sa ulat na bago ang pamamaslang sa biktima ay may natatanggap na itong pagbabanta sa kanyang buhay.(Ulat nina Edwin Balasa at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended