Factory worker dedo sa rambol

Isang 18-anyos na factory worker ang namatay nang tagain sa leeg ng nakalaban sa rambol kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Halos maputol ang leeg ng biktimang si Diego Flores, tubong Aklan at stay-in worker ng Shirly Del Food Corporation na matatagpuan sa #125 Macabagdal St. ng nabanggit ding lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspect na isa dito ay kinilalang si Marino Ropal, alyas Martin ng 31-L Bustamante St. Caloocan City.

Inaresto naman ng pulisya ang kapatid ni Ropal na si Leticia na umano’y unang naka-away ng biktima bago maganap ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang magkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at si Leticia sa hindi pa malamang dahilan.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay may dalang jungle bolo si Marino na siyang tumaga sa leeg ng una.

Nakuha sa crime scene ang duguang jungle bolo na ginamit kay Flores. (Rose Tamayo)

Show comments