^

Metro

10 operatiba ng OMB huli sa pirated VCDs

-
Inaresto ng mga awtoridad ang may 10 katao na miyembro ng Optical Media Board (OMB) at mga stuntmen matapos na makumpiskahan ng mahigit sa isang libong pirasong pirated DVDs at VCDs habang lulan ng tatlong taxi sa Quezon City.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga suspect na sina Rolando Balisbis, 35; Victor Tanegra, 34; Jose Santos, 24; Rico Ramirez, 36; Joserizalde Carte, 24; Arthur Cagayunan, 33; Jun Elicame, 27; Ronaldo Santos, 33; Nelson Brieta, 31; at Exodus Geluca, 26, pawang mga residente ng Welfareville Subdivision, Mandaluyong City.

Ayon kay P/Insp. Marcelo L. Chavez Jr., dakong alas-9 kamakalawa ng gabi nang masabat ang mga pirated VCD at DVD mula sa mga suspect habang lulan ng tatlong taxi sa 13th at Gilmore Sts., Cubao, Quezon City.

Ang mga nasabing pirated VCDs at DVDs ay nakasilid sa malalaking travelling bag.

Una rito, nagsasagawa ng "Oplan Sita" sa nasabing lugar ang mobile car 163 at 173 ng Central Police District sa pangunguna ni SPO4 Meliton Maala nang parahin ang taxi na kinalululanan ng mga suspect. Nang siyasatin ang loob ng mga taxi, nakita ang mga pirated DVDs at VCDs kaya agad na dinala sa presinto ang mga suspect.

Bunga nito, inirekomenda ni OMB Chairman Edu Manzano na sampahan ng kasong qualified theft at illegal possession of pirated optical disc kasabay ng pagkakasibak sa mga ito.

Iginiit naman ni Rico Ramirez, umano’y team leader, na kalakaran na umano sa OMB na maaaring mag-uwi ng mga pirated VCDs at DVDs sakaling mayroon silang huli.

Subalit ayon naman kay Manzano, hindi niya ito pinapayagan dahil matindi ang kanyang babala na ipinagbabawal ang pag-uuwi ng mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARTHUR CAGAYUNAN

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHAIRMAN EDU MANZANO

CHAVEZ JR.

DORIS FRANCHE

EXODUS GELUCA

GILMORE STS

QUEZON CITY

RICO RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with