2 babae hinatulan ng kamatayan
April 21, 2005 | 12:00am
Hinatulan ng parusang kamatayan ng korte ang dalawang babae makaraang mahuli ito habang nagtutulak ng drogang ecstacy mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.
Sa desisyon ni Judge Amelia Dy ng Mandaluyong Regional Trial Court Branch 213 kahapon ng hapon pinatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang mga suspect na sina Emmalyn dela Serna alyas "Inday" at Reggie Medenceles, 31.
Batay sa rekord ng korte, naaresto ang mga akusado sa isinagawang buy-bust operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Agosto 28, 2002 sa isang lugar sa lungsod ng Mandaluyong.
Nakumpiska sa mga suspect ang 200 piraso ng ecstacy tablets, isang klase ng droga na tinatawag ding love drugs na ipinapalit sa shabu sa mga drug addict. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended