Bagong panganak na sanggol hulog sa bintana ng bus
April 21, 2005 | 12:00am
Isang bagong panganak na sanggol ang nasawi makaraang mahulog sa bintana ng isang pampasaherong bus na doon napaanak ang kanyang ina, kamakalawa sa Makati City.
Ayon kay Geralyn Nieves, 20, ina ng biktima at naninirahan sa Dama de Noche St., Pinkian, Brgy,. Commonwealth, Quezon City na dakong alas-2:30 ng hapon naganap ang pangyayari sa loob ng sinakyan niyang pampasaherong bus sa may panulukan ng Ayala at Edsa Avenue, Makati City.
Ayon sa ginang, papunta siya sa bahay ng isa niyang kamag-anak sa Alabang, Muntinlupa makaraang palayasin siya ng kaanak nila sa Quezon City.
Mag-isang naupo ang ginang sa bandang hulihan ng bus at dahil sa kabuwanan ay napaanak ito sa loob ng bus.
Sa labis na pagkataranta ng ginang ay nataranta ito hanggang ipinatong ang bagong panganak na sanggol sa may upuan malapit sa bintana at nang umandar ang bus ay nahulog ang sanggol.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya para matiyak na hindi sinadyang patayin ang sanggol. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended