Aniya, nakapanumpa na at nakapag-report na sa trabaho ang batang Malonzo kasabay ng pahayag na ang kakulangan ng quorum nang dumalo siya sa sesyo ay walang legal effect sa kanyang pag-upo. Sinabi pa ni Batacan na walang basehan ang TRO dahil ang appointment ni Malonzo ay naaayon sa Local Government Code at Presidents Memorandum Circular No. 151.
Inakusahan din ni Batacan na walang personality to question si Councilor Nora Nubla dahil wala umano itong karapatan o claim sa nabanggit na posiyon dahil hindi naman ito makikinabang o mapipinsala sa pagluklok ni Malonzo.
Sinabi ni Batacan na 2 ang requisites sa issuance ng injuctive writ, existence ng right to be protected at ang act sought to be prohibited ay lalabag sa karapatan ng petitioner.