^

Metro

TRO vs batang Malonzo hiling alisin

-
Hiniling ni Atty. Edna Herrera Batacan , abugado ni Caloocan City Councilor Christopher "PJ" Malonzo sa Regional Trial Court Branch 131 na tanggalin na ang inisyu nitong temporary restraining order noong Abril 11 ng taong kasalukuyan dahil legal nang nailuklok at kasalukuyan nang ginagawa ng batang Malonzo ang kanyang tungkulin bilang miyembro ng Sangguniang Panglunsod.

Aniya, nakapanumpa na at nakapag-report na sa trabaho ang batang Malonzo kasabay ng pahayag na ang kakulangan ng quorum nang dumalo siya sa sesyo ay walang legal effect sa kanyang pag-upo. Sinabi pa ni Batacan na walang basehan ang TRO dahil ang appointment ni Malonzo ay naaayon sa Local Government Code at President’s Memorandum Circular No. 151.

Inakusahan din ni Batacan na walang ‘personality to question’ si Councilor Nora Nubla dahil wala umano itong karapatan o claim sa nabanggit na posiyon dahil hindi naman ito makikinabang o mapipinsala sa pagluklok ni Malonzo.

Sinabi ni Batacan na 2 ang requisites sa issuance ng injuctive writ, existence ng ‘right to be protected’ at ang ‘act sought to be prohibited’ ay lalabag sa karapatan ng petitioner.

BATACAN

CALOOCAN CITY COUNCILOR CHRISTOPHER

COUNCILOR NORA NUBLA

EDNA HERRERA BATACAN

LOCAL GOVERNMENT CODE

MALONZO

MEMORANDUM CIRCULAR NO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SANGGUNIANG PANGLUNSOD

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with