^

Metro

4 hinatulan ng habambuhay

-
Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng habambuhay na pagkabilanggo ang apat na akusado na bumaril at pumatay sa isang miyembro ng kaaway nilang fraternity noong 1998 sa Quezon City.

Sa 21-pahinang desisyon ni QCRTC Judge Branch 81 Judge Ma. Theresa Yadao, pinatawan ng reclusion perpetua sina Julius Bodeos, Donnic Evangelista, Oliver Carretas at Silvino Pastrana Jr., pawang mga miyembro ng Alcaphaca Fraternity.

Lumilitaw sa record ng korte na positibong itinuro ng saksing si Zarvie Bautista ang mga akusado na binugbog at bumaril sa biktimang si Edwin Cartoneros, na miyembro ng Resbak Bonnety Brothers (RBB) noong Mayo 14, 1998 sa Teachers’ Bliss Balonbato, Quezon City.

Ayon kay Bautista, nakita niya na tumatakbo ang biktima papalayo sa mga suspect subalit nakorner din at pinagtulungang bugbugin at pinagbabaril.

Idinahilan naman ng mga akusado na wala sila sa nasabing lugar nang maganap ang insidente.

Ipinaliwanag ni Yadao na mas kapani-paniwala ang testimonya ng witness dahil isinalaysay nito ang buong pangyayari sa korte ng pawang pangamba.

Inatasan din ng korte ang mga akusado na bayaran ang pamilya ng biktima ng P50,000 bilang indemnity; P40,500 bilang damages at P150,000 para sa moral damages. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALCAPHACA FRATERNITY

BLISS BALONBATO

DONNIC EVANGELISTA

DORIS FRANCHE

EDWIN CARTONEROS

JUDGE BRANCH

JUDGE MA

JULIUS BODEOS

OLIVER CARRETAS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with