^

Metro

Pasig PNP sisibakin

-
Malamang na matulad sa kinahinatnan ng Albay police ang buong puwersa ng Pasig City police na namemeligro ding masibak sa puwesto kaugnay ng serye ng karahasan na nagaganap sa lungsod, kabilang na ang pagkapaslang kay dating Congressman Henry Lanot noong nakalipas na linggo.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni PNP Chief Director Gen. Arturo Lomibao.

Gayunman, nilinaw nito na kasalukuyan pa niya itong pinag-aaralan kung saan ay hinihintay pa rin niya ang magiging rekomendasyon ni NCRPO chief Avelino Razon Jr. bago desisyunan ang bagay na ito.

Sa isang late breaking news, sinibak na kahapon ang hepe ng pulisya sa Pasig City na si Senior Supt. Raul Medina na pinalitan ni Supt. Celso Beltran .

Inamin ni Lomibao na dalawang mambabatas ang nagrekomenda na sa kanya na ipatupad ang pagsibak sa mahigit na 200 puwersa ng Pasig City police bunga ng naturang insidente.

Dahil nga dito ay inatasan din niya si Razon na pag-aralang mabuti ang panukala bago sila gumawa ng desisyon.

Nabatid na ang rekomendasyon ng dalawang mambabatas na hindi tinukoy ni Lomibao ang pangalan ay nag-ugat sa pagkapaslang kay dating Congressman Henry Lanot, gayundin ang pagkaaresto sa tatlong tauhan ng pulisya dito na sangkot sa bigong holdap.

Binanggit din umano ng dalawang kongresista na sunud-sunod rin umano ang mga nagaganap na krimen sa lungsod na hindi naman natutugunang solusyunan ng puwersa ng pulisya dito.

Magugunitang unang nasampolan ng panunungkulan ni Lomibao bilang PNP chief ang buong puwersa ng pulisya sa lalawigan ng Albay.

Tinatayang 529 pulis sa lalawigan ang sinibak sa puwesto dahil sa kabiguan ng mga ito na masupil ang mga private armies sa lugar, ang ilan naman ay nagsa-sideline bilang mga bodyguards ng mga politiko dito. (Ulat ni Joy Cantos)

ALBAY

ARTURO LOMIBAO

AVELINO RAZON JR.

CELSO BELTRAN

CHIEF DIRECTOR GEN

CONGRESSMAN HENRY LANOT

JOY CANTOS

LOMIBAO

PASIG CITY

RAUL MEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with