Itoy matapos na magbigay ng karagdagang P100,000 pabuya si Acting Pasig City Mayor Bobby Eusebio at tinapatan ang P100,000 pabuya na inilabas naman ni NCRPO chief Gen. Avelino Razon.
Ayon kay Eusebio, nagpasa na siya ng resolution sa konseho upang kunin ang nasabing pondo sa Office of the Mayor sa lungsod.
Ngayong umaga, nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang mga labi ni Lanot sa Pasig City Public Cemetery at inaasahang dadagsa dito ang mga supporters at mga kaibigan ng dating congressman.
Magugunitang binaril at napatay si Lanot ng hindi pa nakikilalang suspect habang kumakain ang una sa loob ng Jade Palace Restaurant na matatagpuan sa Pasig Blvd. sa Bagong Ilog, Pasig noong nakaraang Abril 13 ng tanghali.
Samantala, tatlong anggulo ang sinisilip ngayon ng mga imbestigador ng pulisya sa kaso ng pagpatay kay Lanot.
Ayon kay PNP Chief Director General Arturo Lomibao, kabilang dito ay ang matinding hidwaan sa pulitika, labanan sa negosyo at paghihiganti sanhi ng personal na galit.
Nabatid kay Lomibao na kukuwestiyunin na rin ng mga imbestigador ang mga bodyguard ni Lanot na umanoy nagkataong wala nang barilin sa ulo at mapatay ang kanilang boss. (Ulat nina Edwin Balasa at Joy Cantos)