^

Metro

Supervisor, patay sa ligaw na bala

-
Patay ang isang warehouse supervisor matapos na tamaan ng ligaw na bala mula sa mga hindi pa kilalang sakay ng isang mobile car kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Veterans Memorial Medical Center ang biktimang si Melchizedek Cabrera, 32 at residente ng No. 74 Rd.1, Proj. 6 bunga ng tinamong bala ng baril sa katawan.

Batay sa report na tinanggap ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng CPD-Baler Police Station, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa panulukan ng Rd.1 at Rd. 29, Proj. 6 ng nabanggit na lungsod.

Lumilitaw na nakatayo lamang sa tapat ng kanyang bahay ang biktima nang biglang tamaan ng bala ng baril mula sa mga sakay ng mobile car na hindi naplakahan. Hinahabol ng nasabing mobile car ang isa pang sasakyan habang pinapuputukan kung saan minalas na tinamaan si Cabrera.

Samantala, makalipas ang 20 minuto natagpuan ding may tama ng bala ng baril at nakahandusay ang isang nagngangalang Desiderio Ulanday ng #002 Paltok Alley, Brgy. Pansol.

Nabatid na sakay ng isang Nissan Urban na may plakang DTT-798 ang biktima habang hinahabol ng isang Toyota Corolla na kulay asul.

Pinagbabaril ito ng mga sakay ng Toyota Corolla hanggang sa tamaan at masawi.

Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pulisya upang malaman kung may kaugnayan ang dalawang insidente sa pagkamatay ng dalawang biktima. (Doris Franche)

vuukle comment

BALER POLICE STATION

DESIDERIO ULANDAY

DORIS FRANCHE

MELCHIZEDEK CABRERA

NISSAN URBAN

PALTOK ALLEY

PROJ

QUEZON CITY

RAUL PETRASANTA

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with