10-anyos na bata nagbigti

Dahil sa madalas na pagalitan ng kanyang mga magulang, minabuti na lamang ng isang 10-anyos na bata na magpakamatay matapos na magbigti sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jay Vee Samonte, grade 5 pupil ng Isabelo delos Reyes Elementary School, ng 1285 Tagumpay St. Tondo.

Sa ulat ng WPD-Homicide Section, nadiskubre ang pagkamatay ng biktima dakong alas-4:25 kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Cailo,pinsan ng biktima, gagamit siya ng banyo subalit hindi pa rin lumalabas si Samonte na 20 minuto nang nasa loob nito.

Hindi nakatiis si Cailo at sinilip niya sa butas ang pinsan kung saan nakita niya na nakabigti na ito ng nylon cord.

Tinangka ng pamilya nito na dalhin sa ospital ang biktima subalit huli na ang lahat.

Sa kabila nito, hindi pa rin inaalis ng pulisya na may foul play sa insidente.

Show comments