Estudyante dedo sa holdap
April 17, 2005 | 12:00am
Isang malawakang manhunt operation ang isinasagawa ng mga awtoridad laban sa dalawang kilabot na holdaper na humoldap at pumaslang sa isang 19-anyos na estudyante, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Base sa ulat ng pulisya dakong alas-2 ng madaling-araw kahapon nang holdapin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect ang biktimang si Tyron Fahila, binata, ng Romblon State University at kasalukuyang nagbabakasyon sa Maisan St., Valenzuela City.
Napag-alaman sa pagsisiyasat ng CPD-CID na nag-aabang ng pampasaherong jeep si Fahila sa may Dimiday St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches nang bigla na lamang lapitan at tutukan ng patalim ng dalawang suspect at nagdeklara ng holdap.
Pumalag ang biktima nang sapilitang kunin ang kanyang pitaka at cellphone kaya agad naman itong inundayan ng saksak ng mga holdaper.
Makaraan ang insidente, mabilis na tumakas ang dalawang suspect dala ang kanilang nakulimbat sa humandusay na biktima.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended