Rambol ng 2 pamilya: 1 patay
April 16, 2005 | 12:00am
Isang lalaki ang nasawi habang malubha naman ang kanyang dalawang kapatid na lalaki matapos na pagbabarilin at saksakin ng isa pang pamilya na kanilang naka-engkuwentro, kahapon ng umaga sa San Miguel, Maynila.
Agad na nasawi dahil sa isang tama ng bala sa dibdib ang biktimang nakilalang si Romeo Bautista, 41, habang isinugod naman sa Philippine General Hospital ang mga kapatid niyang sina Godofredo, 27 at si Marcos, 31, ng Sikat St., San Miguel, Maynila.
Nakilala naman ang mga suspect na sina Adolfo Dumduma, 46; anak niyang si Erwin, 17, kapatid na si Roy, 40, na residente rin sa naturang lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa basketball court sa naturang lugar.
Bago ang insidente, naunang nagkainitan ang suspect na si Erwin at ang nasawing si Romeo kamakalawa ng gabi. Kinaumagahan ay hinamon ni Adolfo Dumduma ang magkakapatid na Bautista habang nagbabasketball ang mga ito. Pinatulan naman ito ng magkakapatid ngunit agad na nakasaklolo sina Erwin at Roy Dumduma na armado na ng baril at patalim.
Agad na pinagbabaril ng suspect na si Roy si Romeo na ikinawi nito, habang sugatan naman sa mga saksak sa katawan sina Godofredo at Marcos. Mabilis na tumakas ang tatlong suspect matapos ang rambol. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended