Transport groups di pa magkasundo
April 16, 2005 | 12:00am
Nauwi sa away at walk-out kahapon ang mga grupo ng transport group makaraang magkontrahan kung itutuloy ang malawakang transport strike o hindi sa Lunes.
Nangyari ang kaguluhan sa opisina at sa harap mismo ni National Capital Region Office Office (NCRPO) chief Avelino Razon Jr. na ikinagulat din ng mga media na nagsipuntahan sa naturang pagpupulong na ipinatawag mismo ni Razon upang pakiusapan sana ang ibat ibang grupo ng transportasyon na gawing maayos sana ang gagawing transport holiday sa Lunes.
Nagsimula ang kaguluhan nang mag-debate si Zenaida Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), is sa mga gustong ituloy ang welga at si Jessie Santos, ng North East Manila Bus Operators Group (NEMBOG), na nagsabi na hindi sila sasama sa welga sa darating na Abril 18. Nauwi sa sigawan na ikinabigla ni Razon at ng mga media na dumalo sa pagpupulong hanggang sa mag-walkout si Maranan at walang sabi-sabing lumabas ng opisina. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended