^

Metro

Bomber na si Boy Negro pasok sa WPP

-
Matapos na magpasabog sa RRCG bus noong Valentines Day, posibleng tumanggap pa ang akusado dito ng kabayaran mula sa gobyerno makaraang tanggapin ito ng Department of Justice (DoJ) bilang witness laban sa mga kasamahan nitong Abu Sayyaf.

Ayon kay State Prosecutor Emmanuel Velasco, isinailalim na ng DoJ sa Witness Protection Program si Gappal Banah Sali, alyas Boy Negro upang gamiting witness laban sa mga kasamahan nitong ASG.

Sinabi ni Velasco na si Boy Negro ang maituturing na ‘least guilty’ sa kasong murder, frustrated murder at frustrated multiple murder kung kaya’t ito ay tinanggap sa WPP.

Gayunman sa darating na Abril 18 ay magsasagawa ng pagdinig si Makati Regional Trial Court Branch 60 Judge Marissa Guillen upang idetermina kung maaaring palabasin ng kulungan si Boy Negro.

Ito ay matapos na hilingin ng DoJ na palabasin si Boy Negro sa kulungan at tuluyan ng maisailalim sa pangangalaga ng WPP.

Si Boy Negro ay una nang umamin na nagtago at gumawa ng bombang ginamit sa pagpapasabog sa RRCG bus noong Pebrero 14, 2005 at pagkatapos ay nagtago sa Bicol region. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)

ABU SAYYAF

BOY NEGRO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAPPAL BANAH SALI

GRACE AMARGO

JUDGE MARISSA GUILLEN

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SI BOY NEGRO

STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

VALENTINES DAY

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with