Task Force lanot binuo
April 15, 2005 | 12:00am
Ipinalabas na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng suspect na pumaslang kay dating Pasig City Congressman Henry Lanot kasabay ng pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso.
Kasabay nito, nagbuo na rin kahapon ang PNP ng Task Force Lanot na pamumunuan ni Senior Supt. Eugene Martin upang agarang malutas ang pagkakapaslang sa dating kongresista.
Ipinakita ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao ang cartographic sketch ng suspect na tinatayang may taas na 56 hanggang 57 talampakan, nasa pagitan ng 29-30 anyos, nakasuot ng asul na t-shirt at denim jeans.
Magugunitang ang dating mambabatas ay binaril at napaslang bago pa man makapagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema sa isinumiteng diskwalipikasyon ng biktima laban sa kanyang naging mahigpit na katunggaling si Pasig City Mayor Vicente Eusebio na tumalo sa kanya sa nagdaang local elections.
Si Lanot ay binaril ng nag-iisang suspect habang kumakain ang una sa loob ng Jade Palace Restaurant sa Pasig City kamakalawa.
Samantala, hinigpitan naman ng pulisya ang seguridad sa loob at labas ng Pasig City hall dahil na rin sa banta na susugod anumang oras ang mga supporters ni Lanot at magsasagawa ng rali.
Kinumpirma mismo ni acting Pasig City Mayor Bobby Eusebio Jr. ang balak ng mga supporters ni Lanot. Itinanggi rin nito na may kinalaman ang kanilang pamilya sa pagpaslang sa dating kongresista.
Binanggit pa nito na nakahandang tumulong ang pamunuan ng lungsod sa abot ng kanilang makakaya para agarang malutas ang kaso.
Magsasagawa na rin ng malalimang imbestigasyon ang NBI hinggil sa pagpaslang kay Lanot.
Ito ay matapos na hilingin ng maybahay ng nasawing dating mambabatas na pumasok ang NBI sa imbestigasyon.
Kaugnay naman sa kasong iniharap ni Lanot sa Supreme Court, hinihintay na lamang ng nasabing tanggapan ang pagsusumite ng memoranda mula sa magkabilang panig hinggil sa election protest ng una laban kay Pasig City Mayor Vicente Eusebio.
Magugunitang hiniling ni Lanot sa kanyang petisyon na idiskwalipika si Eusebio dahil sa umanoy vote buying at talamak na pandaraya. (Ulat nina Joy Cantos, Edwin Balasa, Ellen Fernando at Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended