Iginiit ni State Counsel Deana Joy Tenalla na nai-turn over na nila ang mga nabanggit na dokumento sa bagong extradition panel na binuo para mapabalik si Strunk sa Pilipinas.
Subalit binigyang-diin ni State Prosecutor Ramon Chito Mendoza, miyembro ng panel, tanging mga affidavit ng mga testigo at counter-affidavit ng mga akusado ang nasa kanilang pangangalaga sa kasalukuyan.
Sa kabila nito, sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzales na hindi na niya paiimbestigahan kung sino ang may kapabayaan sa pagkawala ng mga nasabing dokumento.
Aniya, hihingi na lang umano sila ng tulong sa US Dept. of Justice upang makahingi ng kopya nang isinumite nilang dokumento sa unang petition for extradition kay Strunk na ibinasura ng korte ng Estados Unidos. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)