^

Metro

Opisyal ng DoJ nagtuturuan sa pagkawala ng dokumento ni Strunk

-
Nagtuturuan ngayon ang mga piskal ng Department of Justice (DoJ) kaugnay sa pagkawala ng mga dokumento may kinalaman sa extradition case ni Rod Strunk na umano’y inanay.

Iginiit ni State Counsel Deana Joy Tenalla na nai-turn over na nila ang mga nabanggit na dokumento sa bagong extradition panel na binuo para mapabalik si Strunk sa Pilipinas.

Subalit binigyang-diin ni State Prosecutor Ramon Chito Mendoza, miyembro ng panel, tanging mga affidavit ng mga testigo at counter-affidavit ng mga akusado ang nasa kanilang pangangalaga sa kasalukuyan.

Sa kabila nito, sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzales na hindi na niya paiimbestigahan kung sino ang may kapabayaan sa pagkawala ng mga nasabing dokumento.

Aniya, hihingi na lang umano sila ng tulong sa US Dept. of Justice upang makahingi ng kopya nang isinumite nilang dokumento sa unang petition for extradition kay Strunk na ibinasura ng korte ng Estados Unidos. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)

ANIYA

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

ROD STRUNK

STATE COUNSEL DEANA JOY TENALLA

STATE PROSECUTOR RAMON CHITO MENDOZA

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with